Nananamlay na naman ang langit,
Mangilan-ngilan lamang ang mga talang nakasabit,
Pati ang buwan ay hindi magawang mang-akit,
Ng mga tao gamit ang taglay nitong rikit..
Hindi mawari kung magsasaboy ng luha sa lupa,
Para ipandilig sa mga halamang nakakaawa,
Pampawi sana sa nararamdaman nilang uhaw,
Bago pa man sumikat ang ginintuang araw..
Kung paraan ito ng langit para ako’y damayan,
Ang Maykapal ay labis kong pasasalamatan,
Kung makakaya ko lang sanang bawasan ang paghihinagpis,
Edi sana’y wala na ako dito para lang magtiis..
Advertisement

wow aman ang drama haha
kya mu yan …