Buhay

Posted: January 13, 2009 in Uncategorized

Masdan ang buhay sa bawat anggulo,
Kahit saan mo tignan, sadya talagang magulo,
Pilitin mang baguhin at iayon sa gusto mo,
Gawin man ang lahat, kay hirap nang mabago..

Hindi maiiwasang ikaw ay mapaisip,
Kung ang buhay ba’y ganito talaga kalupit,
Puno ng paghihirap at katakut-takot na pasakit,
Ligaya’y nagtatago sa likod ng hinanakit..

Marahil ang ilan, sa aki’y hindi sang-ayon,
Kung ang buhay nila’y husto nang nakabangon,
Kung lahat sana tayo’y magtutulungan umahon,
Wala sanang dukha na nasa putik nakabaon..

Paano natin mababago ang ating kapalaran,
Kung sa ating pag-angat, tayo’y hinahandlangan,
May mga taong nasisiyahan kapag tayo’y nahihirapan,
Pilit binabalik ang mundo mong nakagisnan..

Karamihan sa ati’y sawa na sa kahirapan,
Laging isinisigaw ang pagbabago sa lipunan,
Kelan kaya tayo magigising sa katotohanan,
Na walang bayan na umuunlad,
Kung ang namumuno’y walang alam..

Isa lang ang hiling at lagi kong pinapanalangin,
Bago ang mundong ito’y tuluyan kong lisanin,
Sama-samang paunlarin ang nakalugmok na bayan natin,
Para ang kahirapa’y hindi na danasin,
Ng mga susunod sa atin..

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s