ITO BA ANG BAYAN KO?

Posted: January 27, 2009 in Uncategorized

Pilipinas,
Bayan ng angal,
Bayan ng reklamo,
Bayan ng mga taong hindi marunong makuntento..

Pilipinas
Pugad ng kasamaan,
Kilala sa anumang uri ng ilegal,
Bayan ng mga taong bihasa sa pamimirata..

Pilipinas,
Gobyernong korapt,
Tiwaling opisyal,
Mga mamamayang mahilig manlamang..

Pilipinas,
Tuta ng mga Amerikano,
Alila ng iba pang mga Asyano,
Hindi matapos na alitan ng Muslim at mga Kristiyano..

Pilipinas,
Kaya mong gumawa ng ingay sa buong mundo,
Para marinig ng lahat ang kagalingan mo,
Pero ang bulong ng kasamaan ang pinakikinggan mo..

Pilipinas,
Bayan ng katakut-takot na mga batas,
Madami dito ang mga ipinagbabawal,
Pero pang-aabuso pa rin ang ipinapairal..

Pilipinas,
Kailan ka muling tatayo?
Kailan ulit mangingibabaw sa mundo?
Kailan muling maririnig ang tinig mo?

Advertisements
Comments
  1. hisnameisdencios says:

    ang sakit ng mga katagang iyan para sa isang Pilipino pero ano ba ang ating magagawa kung ang lahat ng iyong nasambit ay pawang katotohanan? tama ka, ang tanong lamang talaga ay “kailan?”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s