Living the American Life

Posted: February 25, 2009 in Uncategorized

Dahil sa pagsamba natin sa ibang lahi gaya ng mga Amerikano, ramdam na rin ng iba nating kababayan ang epekto ng recession sa kanilang bansa. Isa na rin tayo sa mga tumutok sa pagproklama kay Obama bilang Presidente ng Amerika at nag-abang ng kanyang mga pangako upang bumuti ang kalagayan ng ekonomiya. Sa kasamaang palad, tila hinde tayo kasama sa kanyang mga plano dahil isa sa mga naiisip nyang solusyon para maibangon ang nalulugmok nilang ekonomiya ay ang pagbalik ng trabaho sa kanilang bansa. Dahil dito, lubos na maaapektuhan ang ating mga kababayan na nagtatrabaho sa mga call center at iba pang BPO companies.

Living the American Life ika nga. Kaya pati ang kanilang pagbagsak ay mararamdaman rin natin.
Kaya bang umangat ng Pilipinas sa pamamagitan ng kanyang sariling diskarte at lakas?
Sa tingin ko kaya natin.

Advertisements
Comments
  1. blurosebluguy says:

    sa aking palagay dahil sa globalisasyon na nangyayari sa buong mundo, ang isang bansa ay hindi na pwedeng mangalakal na nag-iisa…ang pagbagsak ng mga mayayamang bansa ay nagkakahulugan ng dobleng pagkalugmok ng isang bansang developing…kasama tayo sa pag-angat na may kaunting dulot na kaginhawahan…pero dobleng pahirap naman sa pagbagsak nito. Kahit dito sa europa, nararamdaman na rin ang suntok ng krisis, marami na ang mga nagsasarang mallit na kumpanya, nagbawas na rin ng mga manggagawa….wala na ring gaanong karaming trabaho….ang globalisasyon ay nag-uugnay sa lahat ng mga bansa lalo na sa usaping ekonomiko. Malinaw na kahit sa mayayamang bansa ang mga mangangalakal na maliit ay hindi makagkumpetisyon sa mga multinationals. Wala silang magawa kundi ang magsara na lang. Ang tanong kaya ba sa Pilipinas…ang aking sagot malamang …sabihin natin maliit na margin lamang mga 1% probability…depende sa produkto at market.

  2. Aling Baby says:

    sa kasalukuyan, kailangang maibangon ng bagong presidente ng amerika ang kanilang bansa. paniguradong malaki ang epekto nito sa atin. sa totoo lang, buong mundo ang nayanig nito.

    panahon na rin siguro para tumayo tayo sa sarili nating paa.

    kung kaya nila, kaya din natin. 🙂

    pabisita 🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s