Filipino invades Facebook

Posted: July 31, 2009 in Uncategorized

Mukang nag-iba na ang ihip ng hangin dito Pinas. Kung ang sikat na tanong dati ay “May Friendster ka?”, ngayon ay “May Facebook ka?”. At alam nyo kung ano ang kasunod na tanong dun? Cyempre itatanong na kung may alaga ka sa Pet Society at kung ano pa ang nilalaro mo dun. Tila nga natatalbugan na ng Facebook ang Friendster dito sa Pilipinas. Kasing adik na siguro natin ang mga Indonesians pagdating dito. Kung tutuusin nga ay mas marami kang magagawa dito kumpara sa Friendster. Pwede kang manood ng youtube video, makinig ng mga kanta o kaya maging fan ng kahit na sino at kahit na ano, gaya ni Michael Jackson, Kobe Bryant, o kaya ni Spongebob! Madaming nahuhumaling sa mga laro dito gaya ng Pet Society, Restaurant City, Farm Ville, at Barn Buddy. Mukang nahuli na ng Facebook ang kiliti ng mas nakararaming kabataan at maging ang mga may edad na. Ngunit sa kabila nito, marami pa rin ang hindi gamay sa paggamit ng Facebook. Bukod kasi sa may pagka-pormal ang pagkakagawa, mejo nakalilito rin gamitin sa una. Tsaka sa dami na ng mga nasubukan ng iba na social network sites, tinatamad na rin cguro sila na gumawa pa ng account sa Facebook.

Pero ang Friendster at Facebook ay ilan lamang sa mga uri ng social interactive activities, may mainam pa rin na matutong makipaghalubilo ng personal. Wag rin sana nating hayaan na mabuhay tayo sa ganitong sistema dahil maaari ring maapektuhan ang social aspect ng ating buhay..

Advertisements
Comments
  1. flamindevil says:

    yehey.may facebook na rin ako recently lang.

    kaadik nga ang pet society at farmville.

    at dito sa Malaysia, dati pa uso ang facebook kaya nainggit ako at napilitang gumawa.hehe

  2. heartattackefficiency says:

    ganyan talaga mga pinoy
    sunod sa uso
    kaya ako
    me facebook din
    hahaha

  3. brokenform says:

    ako naadik din sa facebook. add me hoplitai@hotmail.com

  4. MU says:

    tama ka dhan.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s