President Corazon C. Aquino (1933-2009)

Posted: August 3, 2009 in Uncategorized

Cory Aquino

Nakakatindig balahibo talaga ang pagpapakita ng suporta ng maraming Pilipino sa ating mahal na Pangulong Cory Aquino. Ramdam ito sa mga lansangan sa pamamagitan ng mga kulay dilaw na laso na nakatali sa mga poste at mga puno, sa iba’t ibang uri ng media kung saan binabalita ang pinakahuling kaganapan sa kanyang lamay, at maging sa mga blogs at twitter kung saan pinakapopular sa ngayon ang mga paksa na tungkol kay Pangulong Cory Aquino.

Nakakalungkot na isa pang haligi ng demokrasya ang pumanaw ulet. Nakakapanghinayang sapagkat tila ba marami na ang nakakalimot sa kanilang nagawa noong kasagsagan ng Martial Law. Kailangan pa bang pumanaw si Pangulong Cory Aquino para magising tayo? Habang pinapanood ko yung paglipat ng mga labi nya patungong Manila Cathedral, tila ba nakita ko ang mga kaganapan noong pumanaw si Ninoy. Kahit kakasilang ko lamang noong 1983 at sa mga libro ko na lamang nabasa ang tungkol sa EDSA revolution, parang isang re-enactment ang nangyari at mas lalo kong naintindihan ang lahat.

Salamat Pangulong Cory.
Pirmi ko itong isasambit sapagkat walang katulad ang iyong mga nagawa para sa bayan.
Lubos ka naming hinahangaan at mananatili ka sa aming puso at diwa.
Nawa’y sa iyong pagpanaw, manumbalik sa puso ng lahat ang tunay na kahulugan ng kapayapaan.
Hinding-hindi ka namin malilimutan.

Paalam.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s