Election 2010 Fever

Posted: August 13, 2009 in Uncategorized

Agosto pa lang, amoy eleksyon na!
Napupuno ng mga pulitikong smiling face ang mga kalsada.
Pati na dyaryo, radyo at tv ay sila ang nakikita.
Nakakaloko talaga.

Dami na namang butas na kalsada.
Sinyales na ang pondo’y kinakalap na.
Kanya kanyang diskarte nga naman.
Para lang sila ay matandaan.

Nakakasawa na ang kanilang pambobola.
Kunwaring may paninindigan pero tumitiklop rin.
Puro banat sa kanilang kalaban.
Upang ang pansariling ambisyon ay maisakatuparan.

Parang circus ang gobyerno.
Puno ng kakaibang mga tao.
Puno ng mga nilalang na mapagbalat-kayo.
Hindi na nadala ang mga loko.

Happy Fiesta kaibigan!
Humingi na ng Birthday Gift sa mga yan.
Ilapit ang iyong baby sa kanila para buhatin.
Plastic moves na bentang benta pa rin.

Kailangan kaya matatapos ang ganito?
Paulit-ulit na nangyayari kada tatlong taon.
Kung ang slogan nila lagi ay ang salitang PAGBABAGO,
Bakit ang mga politiko pa rin natin ay pare-pareho?

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s