Evolution of HAHA

Posted: January 7, 2010 in Uncategorized
Tags: , ,

Paano ka tumawa?

Likas sa mga Pinoy ang pagiging masayahin. Kahit na maraming pagsubok ang dumating, dinadaan na lang natin sa tawa. Ito marahil ang isa sa mga katangian ng Pinoy na hindi mo makikita sa ibang lahi. Pag walang makain, dinadaan na lang sa pagtawa. Para imbes sumakit ang tiyan sa gutom, sa kakatawa na lang ito sasakit.

Ano nga ba ang tawa na unang nasambit ng Pinoy? HAHA o HEHE? Hindi na natin masasabi kung ano. Parang sa itlog at manok lang yan. Pero ang sarap isipin na habang tumatagal, madami pang naiisip ang Pinoy na ibang klase ng pagtawa. Patunay lang yan na tayo talaga ay likas na maliligalig.

Dahil isa ako sa milyon-milyong tao na maligalig, napagkatuwaan ko na bigyan ng kahulugan ang iba’t ibang tawa ng Pinoy. HAHA.

HAHA – Tawang panlalaki. Madalas gamitin pag may inuman o habang naglalaro ng bilyar o basketbol. Maaari ring gamitin ng mga babae.

HEHE – Tawang nakakaloko. Tipong kakatapos lang magpower trip. Madalas gamitin pag may napanood na practical joke.

HIHI – Tawang pa-cute. Madalas gamitin ng mga babae noong unang panahon. Sumisimbolo sa pagiging mahinhin ng mga dalaga. Ngayon, ginagamit na rin ito ng mga lalaki, pagtikular na ang mga lalaking nanliligaw o ng magkasintahan. Ginagamit rin ito ng mga mangkukulam.

HOHO – Alam na natin kung sino ang kadalasang gumagamit ng tawa na ito, syempre si Santa Klaus. Madalas rin itong gamitin ng ating mga Tatay, Lolo at maging ng ating mga ninong na nagpapanggap na Santa Klaus tuwing Pasko.

HARHAR – Tawang mula sa panahon ng stone-age. Ito marahil ang pinaka-unang tawa sa buong mundo. Malamang unang nabanggit ito ng matuto ang mga tao na gumawa ng apoy. 1st time kasi nila. Pero HIHI na ngayong ang kadalasang tawa pag sa 1st time. Ano yang iniisip mo? Ung 1st time mo? 😛

WHAHAHA – Tawang pang-kontrabida. Madalas gamitin ng mga lider ng sindikato sa mga Pinoy action films. Ginagamit rin ito ng mga taong gumaganap na demonyo, bampira at maligno. Si Ben David ang isa sa mga kilalang gumagamit nito noon sa radyo sa kanyang programa na Gabi ng Lagim.

NYAHAHA – Tawang pang-kontrabida rin ngunit mas batang bersyon nga lang. Minsan nakakaloko, minsan nama’y nakakatuwa rin. Pero kadalasang ginagamit na pang-asar.

WAKEKEK – Ito talagang ang tawang nakakaloko. Subukan mong gawin ito sa harap ng isang tao. Sa ekspresyon pa lang ng iyong mukha habang ginagawa ito ay nakakaloko talaga. Uy, ginawa nga nya! 🙂

WAKOKOK – Tawang nakakaloko rin ngunit bahagya lamang dahil hindi halata ito sa iyong itsura, parang nagmumumog lang. Malapit na kamag-anak ng WAKEKEK.

JEJEJE at GEGEGE – Tawang pang-chatroom. Ito rin ay kadalasang tinatawag na tawang bara-bara. Dahil sa sobrang saya mo habang nagtatype, hindi mo na namamalayan na ito na ang natatype mo imbes ang word na HEHEHE. Update ko lang, ginagamit rin pala ang tawang ito ng taong kung tawagin ay JEJEMON.

HRHRH at HWHW – Tawang ewan. Kakambal sa katangahan ng tawang bara-bara. Pinapayuhan na wag itong sasanayin dahil bukod sa mahirap intindihin, mahirap rin bigkasin.

Ilan lamang ito sa mga uri ng tawa na kadalasang ginagamit sa panahong ito. Pero kahit ano mang tawa ang maimbento at magamit sa mga susunod pang henerasyon, wala pa ring lahi ang makakatalo sa mga Pinoy bilang Pinakamasayahing Tao sa Buong Mundo

KEEP ON SMILING! 🙂

Advertisements
Comments
  1. Not A Computer Geek says:

    lol at the ‘jejeje’ 😀

  2. ~AnNaLyn* says:

    thanks for making me smile while reading it.. 🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s