Ikaw Ang Iniisip Ko

Posted: April 3, 2010 in Uncategorized
Tags: , , , , , , , , ,

Tinawag kita pero hindi mo ako nilingon
Kinalabit kita pero hindi mo man lang pinansin
Pinili mo bang maging manhid na lang?
Tanong ko’y lagi na lang ganyan.

Madalas kang nasa balita
Mabuti man o masama
Binabanggit ang iyong pangalan kahit saan
Pangalang hindi nakakasawang pakinggan

Posturang malinis, walang bahid dungis
Damit mong maputi, talagang nakabibighani
Ang iyong amoy na hindi ko malilimutan
Sa tuwina’y aking inaabangan

Ngayong nalalapit na naman ang iyong kaarawan
Maraming bisita ang magsisidatingan
Ako nga’y iyong naimbitahan
Ang tanong ko’y, “Ako ba’y iyong susulyapan?”

Sa dami ng matatanggap mong regalo
Alahas, damit at relo
Bulaklak, tsokolate at pabango
Ang munti ko bang handog ay mapapansin mo?

Estranghero man ang tingin nila sa akin
Kahit ang karamiha’y hinde ako pinapansin
Ito lang ang tanging maipagmamalaki sa’yo
Na walang minutong lumipas na hindi ikaw ang inisip ko..

sinulat ko ang tulang ito para kay Nicanor Perlas matapos kong mapanood ang “Profiles” sa youtube. He maybe an underdog and political outsider. Pero sa kanyang puso, hindi siya bago sa larangan ng pagtulong at paghahanap ng solusyon para sa mga problema ng ating bansa. Siya na ang karapat-dapat na maupo sa pinakamataas na posisyon sa gobyerno. Sir Nick, sa’yo ang boto ko.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s