Ang Aking Ambag: Diary ng Isang PERLAS Volunteer

Posted: April 11, 2010 in Uncategorized
Tags: , , , , , , , ,

I. Ang Pagkikita

May panghihinayang akong naramdaman. Ang balak ko sanang pagbibisikleta mula sa Valenzuela City hanggang sa Perlas Headquarters sa Quezon City ng 5am ay napurnada. Dahil puyat at medyo pagod, nakatulog ako at tanghali na akong nagising. Pero siguro ay sinadya talaga ng pagkakataon na maging ganoon.

1pm. Tirik man ang araw at nakakatamad lumabas, pinilit ko pa ring gumayak para pumunta sa Perlas Headquarters dala ang mga ideyang nabuo sa isip ko. Pagkaalis ng bahay, may magkahalong excitement at pangamba ang naramdaman. Ano kaya ang madadatnan ko doon? May tao kaya doon?

3pm. Nagpatuloy lang ang paglalakbay at narating ko rin ang destinasyon ko. Lumagpas man ng konti ang sinasakyan kong jeep, hindi ko na’yon inisip dahil nakarating naman ako ng maayos. Pagdating ko, sinalubong ako ni Ate Shiela at ng pinakilala sa mga naroon. Nakilala ko ang mga taong sa Facebook ko lang nakikita, mga taong masasayahin at punong-puno ng pag-asa. Nakita ko ang lugar kung saan nagtitipun-tipon ang mga volunteers na walang sawang sumusuporta kay Nick Perlas. Maayos ang pakikitungo nila sa akin. Hindi ko naramdaman na iba ako sa kanila. Parang gusto ko na ngang dun na muna mag-stay ng ilang araw.

Parang sinadya nga talagang tanghali na ako mapunta dun dahil saktong may meeting pala at dadalo mismo si Nicanor Perlas. Bahagya akong natulala at hindi nakapagsalita ng banggitin sa akin iyon. Hindi ko maitatangging natutuwa ako dahil sa wakas ay makikita ko siya ng personal. Ilang minuto pa ng pagpapakilala at kwentuhan ang lumipas, naaninag ko sa may pintuan na dumating na si Nick Perlas. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Parang ako lang ung nabigla na dumating na siya. Kung sa bagay, headquarters nga pala yung pinuntahan ko at malamang hindi na bago sa kanila ang paglabas pasok ni Nick Perlas. Pinakilala nila ako sa kanya at sinalubong naman niya ako ng shake hands at ngiti. Ang saya ng pangyayaring iyon. Nakamayan at nakilala ko ng personal ang isang Nick Perlas. Napakasimple lang ng approach. Simple lang siya masayahin. Na-starstruck man ako sa kanya nung una, napawi rin kagad iyon dahil hindi naging mabigat ang una naming pagtatagpo. Sabi nga nila, marami pang beses na makakasama ko siya. Labis akong natuwa doon. Hindi rin nagtagal ang pagkikita namin dahil magsisimula na ang kanilang meeting. Habang nasa meeting sila ay hindi naman ako hinayaan ng iba na mabagot. Saglit akong nagpahinga habang inaayos ang mga campaign materials para ilagay sa aking bag at nagpalit na rin ako Perlas shirt. Pagkatapos ay umuwi rin ako kagad dahil excited akong malaman ng iba ang pagkikita namin ni Nick Perlas.

4pm. Pag alis ko sa headquarters, baon ko ang ibayong inspirasyon. Nagumigting ang pagnanais ko na maipakilala siya at malaman ng lahat ang kanyang mga nagawa at mga gagawin pa sa ating bansa. Hindi na ako nakapaghintay. Pagsakay ng jeep ay binigyan ko ng flyers ang mga pasahero. Halos lahat ay napakunot-noo pero magkagayunman, binasa pa rin nila ito. Pagbaba sa cubao, saglit akong naglakad lakad sa Farmers Market para maghanap ng kakainan at para ipakilta rin sa kanila ang t-shirt na suot ko. Pagkatapos kumain ay sumakay na ako ng bus. Dala ng pagpupursige, tila ba gumalaw ng kusa ang aking mga kamay para abutan ng flyers ang mga pasahero. Isang pangyayaring unang beses ko pa lang ginawa. Mejo nangangatog pa ng naupo ako sa bandang likuran ng bus. Hindi ako makapaniwalaang nagawa ko iyon. Lubos akong nabuhayan ng loob. Iniisip kung kelan ko ulet magagawa iyon. Lahat ng sumasakay ay inaabutan ko gang ako ay bumaba. Lubos ang kasiyahan ko lalo ng nakita ko na binabasa nilang lahat. Mukhang nakatulong ang trapik para magkaroon sila ng oras para basahin ang mga flyers. Nakakataba ng puso. Sana ay nasagi ko ang kanilang isipan sa aking nagawa. Mapag-isip ko sana sila kung tama ang kanilang ginawang batayan sa pagpili ng kandidato.

6pm. Pag-uwi na pag-uwi ay binalita ko kagad sa kanila ang pagkikita namin ni Nick Perlas. Masaya rin sila kahit papaano. Ngunit nagtataka sila kung bakit antiyaga kong tumulong sa kampanya ni Nick Perlas. Ngumiti lang ako at sinabi sa kanila na “Yan ang Presidente ko”.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s