Paglalakbay

Posted: May 4, 2010 in Uncategorized

Paglalakbay

Sa aking pagtayo’y natanaw ko ang hinaharap
Malabo man ang imahe pero akin pa ring naaaninag
May tunog pang nanggagaling sa dako paroon
tila ba’y naghihintay ng sino mang tutugon.

Iniabot ko ang aking kamay at nagbaka sakali
Pinaanod ang isip at pinaubaya ang sarili
Nararamdaman kong ako na lang ang hinihintay
Upang ang pagsisikap ay magkaroon ng saysay.

Naalala ko bigla ang aking pinagdaanan
Noong ako’y kinukutsya at pinagtatawanan
Hindi ko akalain na dito na pala magtatapos
Ang hinihintay kong tagumpay, akin nang mayayapos.

Masalimuot man ang daan tungo sa liwanag
Mapalad akong kasama kita sa aking paglalakbay
Wag ka sanang mapagod sa iyong pinaglalaban
Dahil ikaw lamang ang susi sa pagkakaisa ng ating bayan.

Ngayong nalalapit na ang katapusan ng karerang ito
Pahintulutan nawa ako ng Diyos na magpasalamat sa inyo
Bago luminaw ang imahe ng hinaharap
Mabigyan ko man lang sana kayo kahit isang sulyap..

Inaalay ko ang tulang ito sa lahat ng KaPerlas na naging bahagi sa kampanyang ito. Sa mga nag-share ng videos, links, pictures, ideas, kanta, etc. Sa mga taong hindi napapagod na ipakilala sa lahat si Nicanor Perlas pati na rin ang kanyang mga nagawa. Hindi pa man natatapos ang kampanya, panalo na tayo dahil nabigyan tayo ng pagkakataon na ipakita sa buong mundo ang pagmamalasakit natin sa ating bansa pati na rin sa ating kapwa Pilipino. Saludo ako sa inyo!


Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s