My Wi-Fi Experience at SM City Baliwag

Posted: May 30, 2010 in Uncategorized

Its nice to know na naglaunch na ang SM City Baliwag ng kanilang free Wi-Fi kaya ng naimbitahan ako para subukan ito, hindi ako nag-atubiling magpunta para personal na masubukan ang free Wi-Fi access.

As expected, sobrang bilis ng Internet connection sa kanilang launching. I actually tested their Internet speed using http://www.speedtest.net. The download speed is about 1.4 Mbps and the uploading speed is almost 2.0 Mbps.  Sa ganyang download speed, maaari ka ng magdownload ng music sa loob lamang ng isang minuto.

Ngunit habang dumadami ang gumagamit ng free Wi-Fi na ito, maaaring bumaba ang Internet speed for as low as 235 Kbps. Mababa man kung maituturing, maaari ka pa namang mag-update ng status sa inyong networking sites, magbasa ng news at gumawa ng article sa inyong blog sa ganitong Internet speed.

Pero kahit gaano man kabilis o kabagal ang Wi-Fi connection, hindi maikakaila na isa itong magandang attraction para sa SM City Baliwag. Maaari itong makatulong para sa mga kababayan nating Bulakenyo na walang Internet sa bahay.

Pinapayuhan ko lamang ang mga kababayan natin na magin responsable sa paggamit ng Free Wi-Fi na ito. Kaugalian na kasi nating mga Pilipino na kapag libre ay kadalasang inaabuso. Kaya para hindi maputol ang free Wi-Fi eh hinay hinay lang sa paggamit.

Advertisements
Comments
  1. Bev Cruz says:

    Many thanks Dan for being part of our launch at SM City Baliwag! Hope to see you in our upcoming events!

  2. krayzhe says:

    thank you also for the opportunity to join your event mam! sana magkaroon rin ang SM Valenzuela ng Wi-Fi and magkaroon rin ng blogging event. 🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s