Bakit kailangang matakot sa Administrasyong Aquino?

Posted: June 1, 2010 in Uncategorized

Heto na naman tayo. Natapos na ang halalan at kasalukuyan ng nagbibilangan ng boto. Kahit maglabasan pa ang katakut-takot na issue ng dayaan, hindi na natin maitatanggi na ang susunod na nating pangulo ay si Noynoy Aquino. Binabati ko siya sa kanyang pagkapanalo, at binabati ko rin ang mahigit 13 milyong Pilipino na bumoto sa kanya. Naging matagumpay nga ba ang Liberal Party sa kanilang kampanya? Malamang OO. Dahil sa milyun milyong nalabas na pondo, mga artistang laging kasama sa kampanya, mga nakakalulang TV ads, at pati na rin ang mga putik na kanilang binato, atbp. Hindi nakakapagtakang mananalo nga sila. Pero hanggang saan tayo dadalhin ng kanilang tagumpay?

Sa bawat tagumpay ay may kaakibat rin namang kabiguan. Isa marahil dito ay ang napipintong pagkabigo ni Mar Roxas na maging Bise Presidente. Pagkatapos ng kanyang pagpaparaya kay Noynoy Aquino, tila ba siya ngayon ang naiwanan sa ere. Nakakalungkot kasing isipin sapagkat kung ikukumpara mo si Noynoy kay Mar, hindi hamak na malaki ang lamang ni Mar kay Noynoy. Pero wala na tayong magagawa, kailangan na lang nating tanggapin at makipagtulungan kung sino man ang magiging pinuno natin.

Ngayong nalalapit na ang Administrasyong Aquino, kailangan ba nating matuwa o matakot?

Hindi pa man nakakaupo si Aquino ay natatakot na ako. Bakit? Dahil sa dami ng utang na loob na kailangan nyang bayaran, paniguradong hindi sasapat ang 6 na taon para kabayaran dito. Natatakot rin ako sa bubuuin nyang kabinete dahil halos sa mga ito ay manggagaling sa Administrasyong Arroyo. Natatakot rin ako pag nakialam na si Kris Aquino sa gobyerno dahil siguradong magiging talk show ang bawat press release sa Malacanang. Natatakot rin ako sa sasabihin ng ibang lahi kapag humarap na ang ating pangulo sa mga pandaigdigang pagpupulong. Tutulo kaya ang kanyang laway sa pagsasalita? O aatakihin ng epilepsy pag nasobrahan sa pressure?

LESSER EVIL ba ang itong binoto o LESSER REVEAL?

Natatakot rin ako dahil ang ating magiging presidente ang natatangi sa lahat. Bakit? Dahil siya pa lang ang magiging pangulong matatawag nating SPECIAL. Sana lang ay ituring nya tayong lahat na SPECIAL at paglingkuran ng tama sa loob ng 6 na taon. Sana rin ay bigyan nya ng SPECIAL attention ang mga hindi pa natutuldukang mga issues ng nakaraang administrasyon at wag sana nyang bigyan ng SPECIAL treatment ang malalaking taong involve sa mga issue na ito.

Nanalo na ang binoto ng nakararami. Nararapat man o hindi ang ating magiging pangulo, kailangan pa rin nating respetuhin ang naging pasya ng sambayanan. Nararapat lang na makipagtulungan tayo pag may mabuti siyang mga proyekto at wag tayong matakot na kuwestiyunin kung may makita man tayong mali nyang ginagawa.

Mabuti nang mayroon tayong kinakatakutan kaysa sa wala.

Advertisements
Comments
  1. Marlon says:

    hehe lumalaki na nang site mo bro ah

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s