Alamin ang Karapatan ng Batang Pilipino

Posted: June 14, 2010 in Uncategorized
Tags: , , ,

Habang ako ay nakatambay sa labas ng bahay namin, nakita ko ang mga batang masayang naglalaro. Sumagi tuloy sa isip ko yung pinapalabas dati sa telebisyon na sampung karapatan ng bawat bata. Nasusunod pa kaya ang mga ito? O nananatili na lang itong batas na nasusulat pero hindi naman nabibigay ng pansin? Narito ang mga karapatan na tinutukoy ko. Nais ko sanang ibahagi nyo rin ito sa mga kakilala nyong may mga anak na rin.

Sampung Karapatang ng Bata

  1. Maipanganak, magkaroon ng pangalan at bansang kinabibilangan.
  2. Maging malaya at magkaroon ng pamilyang mag aaruga.
  3. Magkaroon ng magandang edukasyon.
  4. Mahasa ang kakayahan.
  5. Magkaroon ng masaganang pagkain, tirahan, mabuting kalusugan at malakas na pangangatawan.
  6. Mabigyan ng pagkakataon na makapaglaro at oras na maging malaya.
  7. Mabigyan ng proteksyon laban sa mga abuso, panganib at karahasan dulot ng gulo at alitan.
  8. Makatira sa isang mapayapang pamayanan.
  9. Maipagtanggol at mapagsilbihan ng ating pamahalaan.
  10. Malayang maipahayag ang aking sariling pananaw at opinyon.

Maaaring napapangalagahan  nga ang lahat ng mga karapatang ito ngunit hindi lahat ng mga bata ay nagtatamasa nito. Sana’y mas lalong pagtuunan ito ng pansin ng mga magulang at pati na rin ng pamahalaan. Ika nga ni Dr. Jose P. Rizal na ang kabataan ang pag-asa ng bayan. Kaya pagka-ingatan ang kanilang karapatan dahil ang nararanasan nila ngayon ang siyang magdidikta kung ano ang magiging kapalaran ng ating bayan sa hinaharap.

Advertisements
Comments
  1. i hope tlgng maibigay ang mga karapatan ng mga bata ka2ld nito!!!!!

  2. nicolepajaron says:

    ksa;;s; slans ap;akps a;sj,]\ama pahosa a[as

  3. robelyngorduiz says:

    SANA NGA

  4. judith says:

    If everybody cares for every child, then what a beautiful and wonderful world we could have.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s