Trip Lang: Bawal sa Bata

Posted: July 27, 2010 in Uncategorized

Ang inyong susunod na mababasa ay hindi hango sa sariling karanasan kundi ito’y likha lamang ng malikot kong isipan. Minabuti kong huwag magbigay ng pangalan para mas malayang maisalarawan ang mga pangyayari.

Isang araw, nagkita si lalake at babae sa isang kainan malapit sa pinagtatrabahuan ni babae. Halatang labis ang galak nila nang magkita dahil sinalubong kagad ni lalake si babae ng isang mainit na halik. Umorder sila ng masasarap na pagkain. Halatang gutom rin ang dalawa dahil sa maghapong pagtatrabaho. Pagkatapos nilang kumain ay naglakad na sila papunta sa istasyon ng bus para makauwi na. Sa hindi inaasahang pangyayari ay biglang nagalit ang langit at sinabuyan ang lugar ng ilang malalakas na kulog at matatalim na kidlat. Walang nagawa ang dalawa kundi humanap ng masisilungan at hintaying tumila ang malakas na ulan. Dala ng pagkainip at lamig ng gabi, hindi naiwasan ni lalake na imbitahan si babae na sa ibang lugar na lang magpalipas ng magdamag. Nakuha naman ni babae nais na mangyari ni lalake kaya naman ay malugod nitong pinaunlakan ang paanyaya nito. Dali dali silang tumakbo na may ngiti sa kanilang mga labi at tinungo ang pinakamalapit na apartelle.

Pagpasok nila ay kaagad silang umupa ng isang kwarto para magpatuyo ng damit at makapagpahinga na rin. Sa loob ng kwarto ay kaagad nilang hinubad ang kanilang mga damit at nilapag sa may lamesa para patuyuin. Habang pinapatuyo nila ang damit ay napatingin si lalake sa katawan ni babae. Litaw na litaw ang hubog ng katawan ni babae at sadya namang nakakasilaw ang taglay nitong kaputian. Bumilis ang tibok ng puso ni lalake at dumaloy sa kanyang kalamnan ang nag-aalab na kagustuhan na maangkin si babae. Mahinhin na ngiti lang ang sinukli ni babae sa kanya at ito ang lalong nagpaigting sa kanyang ninanais. Walang sinayang na sandali ang dalawa at mabilis na naglapat ang kanilang mga labi. Sinamantala ng dalawa ang pagkakataon na pinagkaloob sa kanila ng kalangitan. Pikit matang pinaubaya nila sa isat isa ang makamundong pagnanasa sa kanilang isipan. Ang de aircon na silid ay naging maalinsangan dahil na rin sa init na kanilang nadarama. Napapaliyad si babae sa ginagawang pag-eksperimento ni lalake sa kanyang murang katawan. Habang sinusuklian naman ito ni babae ng maiinit na halik na lalong nagpapagigil kay lalake. Tapos.. Tapos.. Tapos na. haha!

Badtrip ka? LOL

Advertisements
Comments
  1. jhayzee says:

    dayng ! .. hahahah libog mo je ! haha

  2. dangerald says:

    iba ka lang mag-isip! haha.

  3. madvi says:

    ahahaha! adik lang! greentertainment nga! LOL

  4. madvi says:

    ahahaha! adik lang! hahaha naniniwala na tuloy ako na BOREDOM=CREATIVITY! 😀

  5. dangerald says:

    halata na buryong ako? haha.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s