Ako’y isang Makata

Posted: September 6, 2010 in Uncategorized
Tags: , , , , , , , , ,

Sa bawat kumpas ng iyong mga kamay,
Sa bawat paglapat ng iyong panulat sa papel,
Hindi ko maitatanggi sa aking sarili,
Isang obra na naman ang nais mong ibahagi.

Sa bawat pagbigkas mo ng tula,
Ramdam ko ang emosyong nababalot dito.
Tumatayo ang aking balahibo,
Bumibilis ang tibok ng aking puso.

Hindi man kita personal na kakilala,
Animo’y tropa na kita dahil sa iyong mga tula.
Sa tuwing ito’y aking binabasa,
Pakiramdam ko’y nakakasama na kita.

Ang iyong saloobin ay saloobin rin namin,
Kaya kaisa mo kami sa lahat ng iyong gagawin.
Ang iyong mga adhikaing naiwanan
Asahan mong amin pa ring ipaglalaban.

Pumanaw man ang isang makata,
Mananatili pa rin sa mundo ang kanyang diwa.
Hangga’t binabasa pa rin ang kanyang mga tula,
Mananatili pa rin siyang buhay at hindi mawawala.

Paalam Alex.

Advertisements
Comments
  1. dangerald says:

    komplikasyon daw,e. basta mejo malala na ung sakit nya nun.

  2. michelle licudine says:

    nagulat ako, nalungkot… tama, bawat obra niya ay kanyang hininga… katawan lang ang pumanaw ngunit hindi ang kaluluwa. paalam, kasama.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s