Sana Matalo si Pacquiao

Posted: November 4, 2010 in Uncategorized

Siguradong madaming magagalit sa sasabihin kong ito,
Dahil para sakin, gusto ko na si Pacquiao ay matalo.
O kitam, napakunot ko kagad ang iyong noo,
Pakinggan mo muna sana ang paliwanag ko..

Congressman na si Manny at kailangan na siya ng bayan,
Sobra sobra na rin ang ibinigay nyang karangalan,
Kung mananalo pa siya, alam ko na ang kasunod nyan,
Pihadong magkakaroon pa ulet siya ng isa pang laban..

Kaya para sa akin, kailangan nang matapos ito,
Mas kailangan na siya ngayon ng Kongreso,
Tuparin ang kanyang ipinangako noon sa mga tao,
Na pagsisilbihan ang bayan at maglilingkod ng totoo..

Kaya ngayon pare ko naiintindihan mo na ba ako?
Pilipino pa rin ako kahit siya ay matalo.
Kaya ang kanyang darating na laban ay ating abangan,
Baka sakaling pagbigyan ang aking munting kahilingan..

Advertisements
Comments
  1. Ako rin, gusto kong matalo si Pacquiao. Kala ko ako lang. ๐Ÿ™‚

  2. dangerald says:

    pinay ka pala? nice blog nga pala. ๐Ÿ™‚

  3. the triptych says:

    wag naman brod anlaki na ng ipinusta ko . mas mamatamisin ko pa na makulong o matigok ang career ni willie revillame kesa matalo si pacman. bwahahaha!

  4. dangerald says:

    ok lang na matalo na siya para tapos na ang lahat. ๐Ÿ™‚

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s