Bakit “Eat-log Mo, well DAN?”

Hmm.. Bakit nga ba? Ito ang sagot.

Eat-log mo, well Dan?

Nagsimula ang lahat ng minsang kumain kami ng aking kaibigan sa isang tapsilugan. Habang kami’y naghihintay ng aming inorder, narinig ko iyong isang kustomer na sinabi nya sa tagaluto na ang gusto nya dun sa itlog e well done. Sinagot naman ito nung tagaluto ng patanong, itlog mo well done? Simula noon ay naglaro na sa isip ko na baka pwedeng maging pangalan ito ng aking blog tutal lahat naman ng nakasulat dito ay tungkol sa buhay buhay natin. Ang “itlog” ay sumisimbolo sa buhay kaya bagay na bagay ito para sa aking blog. Ang “well done” naman na salita ay maaari mong ihambing sa isang bagay o kaganapan na ating nagawa ng maayos.

Itlog mo, well done? – Eat-log mo, well DAN?

Gusto ko ring maglagay ng mga artikulo tungkol sa pagkain at sa mga lugar na nakainan ko na kaya pinalitan ko ang salitang “itlog” at ginawang “eat-log” para madaling mapansin ng mga mambabasa. Ang salitang “done” ay pinalitan ko ng salitang “Dan” para madaling makita kung kaninong blog na inyong binabasa.

Habang ikaw ay nakatambay sa blog site na ito, sana’y hindi masayang ang iyong oras sa pagbabasa. Makatulong sana sa iyo ang aking ambag na mga tula at pananaw sa iyong araw-araw na pamumuhay. Kung may mga punto na nagustuhan mo o di kaya’y hindi ka sang-ayon sa iyong binasa, malaya kang mag-iwan ng kumento para malaman ko ang iyong saloobin.

Iisa lang ang buhay natin. Wag nating sayangin. Matuto tayong magpasalamat kung anong meron tayo. Kung nais nating may marating sa buhay, huwag tayong tumigil sa pag-abot ng ating mga pangarap. Magpursigi tayo. Manatili tayong uhaw para tayo ay magtagumpay.

Sa puntong ito ng iyong buhay, tanong ko lang sa’yo. Itlog mo, well done na ba?

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s